Dahil sa paglabas ng maraming aral tungkol sa pakunat ng balat o pakubol (Cebuano), ay naisipan kong ipakita ang isa sa pinaka-iingatang kargada o gamit ng mga mandirigma. Ang Haring Bakal Koronados.May dalawang uri nito, ang nasa garapa at estampita. May magka-ibang formula ang nasa garapa at estampita dahil sa magkaiba nitong lalagyan. May ibat-ibang uring Haring Bakal, may kargada at may grupo rin na halaw sa pangalan ng naturang gamit.Katulad ng sa gamot, may peke, may generic at may branded. Nasa tao na kung paano niya ito makikilala kung ano o sino ang totoo.
May HB na nasa estampita dahil sa hindi ito kinakailangang lagyan ng langis, dahil ang nasa garapa ay sa kadalasan ay kumukulo at umaapaw at kinakailangang lagyan sa tuwi-tuwina.
Sa ganang akin, batay sa aking pagsusuri, may mga gamit na Haring Bakal ang pangalan ngunit ni isa ay walang lamang dasal o oracion ng Haring Bakal. Ang laman ay Oracion ni San Miguel o Oracion sa Dios Amahan etc. sa madalit sabi ay halu-halo at pinamagatan lang na Haring Bakal.
Sa mga nakakaalam tungkol sa gamit o kargadang ito, alam natin na ang mga laman nitong dasal ay natutungkol sa kung paano maging bakal sa kunat ang balat, laman, at buto. Kaya nga me Oracion Haring Bakal pakubol sa Panit, Unod ug Bukog (Oracion Haring Bakal Pakunat sa Balat,Laman at Buto sa kadahilanang hindi maaring sa balat lang ang kunat mo dahil sa mataas na kalibreng baril na makakaharap mo. Hindi ka nga tinablan eh, wasak naman ang laman mo at mga buto at marami ng nangyari rito), Oracion sa Haring Bakal sa Bunal (Oracion sa Haring Bakal sa Palo- sa kadahilanang lahat ng mga hindi tinatablan ay kapag naubusan ng ng bala sa digmaan ay kinukuyog at pinapalo o di kaya'y pa traydor na papaluin).Oracion Haring Bakal Pakubol sa Lungag (Oracion Haring Bakal Pakunat sa Butas sa kadahilanang prinoproteksyonan ang lahat ng butas mo sa katawan, dahil kapag nahuli ka ng kalaban ay tinutuhog o tinutusok ang lahat ng butas mo sa katawan). Ilan lang iyan sa mga dasal na nakapaloob sa Estampita at Garapang. Kaya sa mga nagkukunwari....alam ninyo sa mga sarili ninyo na niloloko lang ninyo ang mga tao. Ang mga sagradong gamit at kargada ay kailanman ay hindi basta-basta ibinibigay at lalung-lalo na..wala itong presyo dahil hindi ito ipinagbibili. Pinakakaiingatan ito at hindi ipinagyayabang dahil katumbas nito ay kaligtasan at buhay.
*Abala lang po kung minsan ito dahil kung papasok ka ng Mall o dadaan ka sa Airport tumutunog po ito kahit langis at papel lang ang laman nito at kahit plastik ang takip ng garapa.
God bless sa lahat.
pede po bang makalimos ng estampita?
ReplyDeleteGood morning brader, saan ho ba Kayo nka Tera, pwede ba bumeseta sa n yo. My gamet din ako, sharing tayo, Michael baclayon Rama po Ito. Ito po acaunt ko, salamat.
ReplyDeleteHi po sir, meron din akong ganyan sa lolo ko ito membro kasi siya ng pakubol sa Mindanao !
ReplyDeleteMeron din akong ganyan sir, sa lolo kupa ito, membro kasi siya ng pakubol sa Mindanao, may mga garapun na may mga papil sa luob at may mga naka sulat na hindi ko ma intindihan, at isang tshirt na may mga orasyon.
ReplyDelete