

Isa sa mga nasubukan kong medalyon ay ang medal na SATOR. Maliit lang ito na nabili sa QUIAPO nang minsang may pumunta sa Maynila at iniregalo sa akin.
Nagkataon naman na ipinakita ko ito sa aking maestro, ibinigay niya sa akin ang pamamaraan kung paano ito pagaganahin at isiniwalat niya sa akin ang isa sa mga gamit nito.
Kailangang consagrahin,buhayin, at binyagan, at dasalan sa loob ng 49 araw kasama ang mga basag nitong SATOR, at pagtawag sa apat na sulok ng mundo.
Ang gamit nito ay pantawag sa pamamagitan ng pagbulong nitong medalya sa taong nasa malayo na abot tanaw pa sa iyong mga mata. Kung lalapit na siya ay puede mong utusan kahit ano ang naturang tao at pikit-matang susunod siya sa anumang iyong ipag-uutos.
Nasubukan ko ito ng dalawang beses, at masasabi kong kahit hindi antigo o pamana ay kaya palang mapagana at mapukaw ang kapangyarihan ng anumang medalyon basta't tama ang proseso ng pagsasagawa ng ritual sa pagbuhay ng isang agimat.
Salamat Master 13.
NBF