
Ginagamit ang bao sa maraming bagay. Puedeng sa tagabulag o lagyan ng ibat-ibang oracion para sa tigalpo,discomonion,tagaliwas atbp.
Ang bao na walang mata ay marami kang magawang "finish product" nito, pero ang bao na may isang mata lang, tatlo (3) lang ang puede mo magawa.Puede mong lagyan ng ibat ibang orasyon ang mga bao. Puede ring sa tagabulag lang. Ang langis ay puedeng pampahid sa katawan para sa tagabulag kasabay ang oracion.
Ang niyog o bao na walang mata, ay sa hating gabi isinasagawa ang pagluluto na walang dapat makakakita, at ang panggatong ay isang uri ng bamboo(bagakay ang tawag sa amin) at ang kanyang sariling bunot.
Puede ring maglangis gamit ang lupa sa punso,,sa tanghaling tapat na walang dapat makakakita. Paghaluin ang lupang tuyo sa punso at ang nakayod na niyog at pigain gamit lang ang dalawang kamay. Iyon ang paglalangis na hindi ginagamitan ng apoy.