Tuesday, November 17, 2009

Tagabulag/Tagolilong




Tagabulag o Tagolilong?


Narito ang isang formula na aking nasubukan nuong ako'y labing-anim na taong gulang pa lamang at masasabi kong mabisa. Maghanap ng isang shell katulad ng nasa larawan. Para sa akin ay hindi na kailangang buhayin pa ito,dahil buhay naman talaga ito. (Gagapang pa nga iyan pag inilagay mo sa suka ng niyog) At exposed na rin yan sa apat na elemento dahil nga sa tabing dagat mo ito makukuha.


Balutin ng pulang manggas at dalhin palagi. Puede ring isabit sa leeg o baywang. At sa oras ng pangkagipitan o kailangan na, ay dasalin ang pang-limang oracion na ibinigay ng Dios kay Adan kung nais niyang talian ang mga halaman at punong kahoy. LAYACUM LAYAGIMA LAYA PARAO LAYAPARAB LIBARA LABAROSIN LAYARARALOS
At idugtong ang Jesus Jesus Jesus Vinyiri Alsanti Jesus Matamurom Salvame.




PAALALA:


Ginagamit ang dasal na ito sa pangkagipitan lamang.


Ibinabahagi ko ang mga ito para lamang sa karagdagang kaalaman at hindi upang ipagyabang.

2 comments:

  1. Sir JuniorBator,

    Paano po namin magagamit o makokopya ang oracion e, may kulang po ito at wala kaming Aklat ng karunungan. Saan po ba maaaring makakuha ng ganuong aklat?
    Salamat.

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat po sa post ninyo at nalaman ko po ang gamit nito. Pumupunta po ako sa tabing dagat every summer at marami po akong nakikitang ganyan sa dalampasigan
    Thanks po and God bless

    ReplyDelete