Monday, November 16, 2009

Miracle Fruit?







May puno akong itinanim 3 years ago. Maganda ito dahil sa ornamental at nagbibigay lilim dahil sa ito ay mayabong. Dahil sa pag-aaruga ay namunga at dumami ito.

Dahil sa unusual nga ang puno, marami ang nag-aakalang suha ito, hanggang sa may nakapagsabing gamot daw ito ng ibat-ibang karamdaman. Parang upo ang laman at kulay puti na maaskad ang amoy. Kulang-kulang isang taon bago ito mahinog. Pero pag iniluto at ininom mo ang sabaw, itim ito, matamis at lalong sasarap kung hahaluan ng pure honey.

May nakapagsabing mainam ito para sa mga diabetic,may sakit sa bato, sa kanser at iba pa.
Binansagan itong Miracle Tree, Melon Tree kase mukhang watermelon.

Ito ang ginagawa namin ngayong parang maintenance dahil di-umano sa nutritional value at therapeutic properties nito.

May mga bumibili paminsan-minsan. Aabot sa lima hanggang anim na kilo ang bawat isa at binibili ito ng mga gustong sumubok at umiinom nito ng Php 350.00 bawat isa.

5 comments:

  1. Hello makakatestify ako na tutuong epektibo talaga ang punong ito...3 years ago nagkanasal polyps ako(yun yung findings) pero sabi ng doktor first stage na daw iyon ng tumor. Nagimbal talaga ako nun 21 palang kasi ako tapos may ganung karamdaman na. Then niresetahan ako ng gamot humigat kumulang 200 daan isang araw for two months. Isang buwan lang namin namaintain yung gamutan kasi d na kaya ng mga magulang ko tapos wala namang masyadong epekto sakin. Then tinry namin etong miracle fruit sa bahay meron kami ng punong eto kahit nung d pa namin alam yung tungkol sa sakit ko. Nagbakasali talaga kami na baka makakagaling nga eto. Minintain ko pag.inom neto mga tatlong baso isang araw, bumibli pa nga kmi sa iba para lang d mahinto pag.inom ko. Wala pang isang buwan bumuti kondisyon ko. Dati na barado yung kanang ilong ko then naglalabas pa ng napakabahong amoy ay somewhat ngimprove na. Nwala yung bara at mabahong amoy, tapos sa gabi nakakatulog na ako ng hindi bibig ang ginagamit sa paghinga. After two months ng maintenance ko totally my disease was gone talaga. Wala nang kahit konting bara at baho yung ilong ko. Totally healed talaga ako ng dahil sa punong to. Naisip namin na baka kung gamot lang inasahan namin baka kahit isang taon di pa ako gumaling. Kaya laking pasasalamat namin talaga ng gumaling ako dahil sa punong eto and of course dahil sa Diyos na siyang nagbigay ng biyayang to. Sabi ng doktor yung mga options daw para sa sakit ko is first dumaan talga sa 2 months maintenance ng gamot, after that checheckupin then papipiliin kami kung 6 sessions of injection ba or operation talaga. Yung 1 session ng injection eh umaabot ng halos 20k. Yung operation naman is not less than 60k. Tapos sabi pa niya d rin daw talga totally maccure yung sakit kasi may tendency na baka babalik. Kya nawalan kami ng choice kundi umasa nalang sa punong eto at sa Diyos. Sakto totoo talaga MILAGRO tung puno na to. 4 years nang nakalipas d parin bumabalik yung sakit. After two months straight 3 glasses per day na maintenance ko ginawa nalang naming 1 glass per day. Hanggang sa minsan nalng talga sa isang lingo. Sa ngayon umiinom parin kami neto pangmaintenance. Kaya masasabi ko Milagro talaga etong miracle tree na eto kaya kayo jan subok na at magtanim ng miracle tree madali lang itong tanimin at ngproproduce ng madaming bunga. Dito sa mindanao napasikat na neto. Sana buong Pilipinas makaalam sa punong to, dahil grabe talaga ang maitutulong ng punong eto lalo na dun sa mga mahihirap.

    ReplyDelete
  2. paano po ba gawa ng juice dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya na po kung sobrang tagal ang reply kasi nasa liblib na pook po ako at mahirap ang signal ng internet. Anyway, ang paggawa nito ay pipiliin mo ang bunga na hinog o mature na. Malalaman mo itong mature na dahil sa magku kulay brown na ang balat nito. Bibiyakin ito at kakayurin ang laman. Isasalang sa lutuan (mas mainam sana sa palayok na malaki pero sisipsipin nito ang tubig at unti unti itong matutuyo) na kaldero depnde sa dami ng lulutuin. Hayaang kumulo at paghalu-haluin para hindi dumikit ang residue (mga laman-laman) at papait ang sabaw. At about 1 hour, salain para maalis yong mga residues at pakuluin ulit. Katamtaman lang ang apoy para dahan dahan ang pagkaluto. After 1 hour ulit,tikman kung okay na sa panlasa o tamis. Palamigin at ilagay sa malinis na lalagyan at ilagay sa ref.
      Huwag lagyan ng asukal o tubig dahil kusa itong kakatas at may natural na tamis ito Lalong malasahan ang tamis nito kung galing sa ref.Ayon sa ibang tao, hindi na nila sinasala dahil gamot rin naman yong residues, kc umimpis at nawala ang goiter niya nang kainin niya pati sapal. Gob bless..sana nabasa mo ang reply na ito dahil sa katagalan ng reply. Paumanhin po.

      Delete
  3. San kya ya ko makakkuwa nyan as manila

    ReplyDelete
  4. Mga ilang baso/litro ang ma produce ng isang piraso ng miracle fruit? 350 pesos nga ba ang isa? San pwde mka bili nito? tns

    ReplyDelete